Silang Water District
  • Home
  • About
  • Officers
  • Services Offered
    • New Service Connection and Other Services
    • Senior Citizen Discount
  • Location/Contact

Senior Citizen Discount

 LIMANG PORSYENTONG (5%) DISKWENTO SA TARIPA NG TUBIG PARA SA MGA SENIOR CITIZEN

Application Form
ALITUNTUNIN SA PAGKAKALOOB NG 5% DISKWENTO:

  1. Ang Sr. Citizen ay nananatiling aktibo o buhay pa.
  2. Ang resibo ng tubig ay nararapat na nasa pangalan ng Sr. Citizen sa loob ng isang (1) taon.
  3. Ang Sr. Citizen ay naninirahan sa impormasyong nakasaad sa resibo ng tubig.
  4. Ang nakokonsumong tubig ay hindi humihigit sa 30 metro kubiko.
  5. Pagpapakita ng katunayan ng pagkarehistro bilang Sr. Citizen (OSCA/Sr. Citizen ID).
MGA TUNTUNIN/DAPAT GAWIN UPANG MAKAKUHA NG LIMANG PORSYENTONG (5%) DISKWENTO:

   1.   Magtungo sa tanggapan ng Silang Water District upang punan ng mga impormasyong kinakailangan ang “Application Form” (Senior Citizen 
         Discount Availment Form).
   2.   Kinakailangang magsumite ng mga sumusunod:
           a. 1 piraso 2 x 2 picture (latest)
           b.  Katibayan ng paninirahan / Barangay Clearance
           k. “Xerox copy” ng Senior Citizen Card / ID (kinakailangang ipakita ang orihinal)
           d. Authorization Letter mula sa Sr. Citizen (kung ang mag-aayos ng dokumento ay sa pamamagitan ng kinatawan). Kinakailangan din na 
                 magpakita ng orihinal at magbigay ng “xerox copy” ng “Valid ID” ang kinatawan.
           e. “Xerox copy” ng resibo ng tubig

  Upang patuloy na makakuha ng diskwento, kinakailangan ang muling pagsusumite na i-renew ang aplikasyon para sa diskwento pagsapit ng buwan ng pagkawalang bisa ng DISCOUNT CARD na ibinigay ng aming tanggapan. Kinakailangan na isumite/isauli ang lumang discount card.  
Powered by Create your own unique website with customizable templates.