1.Paano ang pamamaraan ng pagkabit ng linya ng tubig sa SWD?
Ang sinumang nagnanais na magpakabit ng linya ng tubig sa SWD ay nararapat magsadya sa aming tanggapan upang malaman ang iba’t ibang dokumentong dapat isumite at upang maliwanagan ang halaga ng mga nakatakdang bayarin at mga patakarang nakasaad sa aming kontrata.
Back to Top
2. Ano pa ang ibang batas na ipinaiiral ng Silang Water District na nauukol sa pagkakaroon ng serbisyo ng tubig?
Ang bawat sambahayan ay kinakailangang magkaroon ng sariling metro ng tubig. Kung ang isang sarbisyo ng tubig ay naputulan dahil sa hindi pagbabayad ng utang, hindi pinahihintulutan na mag-apply ng bagong linya ng tubig ang isang naninirahan na kabilang sa loob ng isang compound upang maiwasan ang pagkakaroon ng illegal na koneksyon.
Back to Top
3. Kailan makakabitan ng linya ng tubig?
Ang SWD ay nagpapairal ng polisiya ng “ First Come, First Serve basis”. Ang aming Service Investigator ay magsasadya sa inyong tahanan upang imbestigahan ang lugar na inyong pagkakabitan ng linya ng tubig. Ang halaga ng tamang pagbabayaran ng aplikasyon sa tubig ay nakabase sa resulta ng imbestigasyon. Matapos ang prosesong ito ay maaari nang magtungo sa aming tanggapan upang magbayad. Hintayin na lamang ang pagdating ng tuberong magkakabit ng linya ng inyong tubig.
Back to Top
4. Paano nagkakaroon ng pataw o penalty sa singil sa tubig?
Ang halaga ng konsumo ng tubig na hindi nababayaran simula sa pagbibigay ng resibo hanggang sa “due date” ay pinapatawan ng dagdag na 10%. Ang halaga ng penalty ay idinadagdag sa katumbas na halaga ng aktwal na konsumo.
Back to Top
5. Kailan pinuputol ang serbisyo ng tubig?
Ang buwanang resibo para sa konsumo ng tubig na hindi nababayaran hanggang sa araw ng “due date” ay mapuputulan ng serbisyo ng tubig ng wala ng pasabi o abiso matapos ang araw ng due date.
Back to Top
6.Paano maikakabit ang naputol na serbisyo ng tubig?
Ang serbisyo ng tubig na naputol dahilan sa hindi pagbabayad ng pagkakautang ay muling maipapakabit kung ang kaukulang halaga ay mababayarang lahat. Kinakailangan din na magbayad ng “reconnection fee” na nagkakahalaga ng P150.00. Kung ang serbisyo ng tubig ay boluntaryong ipinaputol ng walang pagkakautang, ang halaga ng “reconnection fee” na babayaran ay P50.00. May karagdagang halaga ng babayaran kung ang inyong serbisyo ng tubig ay walang “st. meter valve”.
Back to Top
7. Ano ang ilegal na koneksyon?
Ang mga sumusunod ay ang mga konkretong halimbawa ng illegal na koneksyon:a. Linya ng tubig na hindi dumadaan sa metro o ang tinatawag na “flying connection”b. Pagpapakabit ng extension ng linya ng tubig o plastic hose patungo sa ibang bahay o lote kahit na ang konsumo ay dumadaan sa metro.c. Paggalaw ng metro o tampering of water meter; tampering of meter seal. Paggamit ng jumper, paglalagay ng magnet sa metro ng tubig, paggamit ng booster pump. Pagbebenta ng tubig sa mga tagatangkilik na walang serbisyo ng tubig. Tanging ang SWD lamang ang may karapatang magbenta ng tubig sa mga nasasakupan nito.
Back to Top
8. Anu-ano ang kaparusahan sa mga taong nahulihan ng illegal na koneksyon?
Ang pagkakaroon ng illegal na koneksyon ng tubig ay mahigit na ipinagbabawal sa Silang Water District. Ang sinumang gumagawa ng ganitong aktibidad ay maaaring patawan ng kaukulang kaso ng aming tanggapan. Sila rin ay pagbabayarin ng kaukulang multa na nagkakahalaga ng P6,000.00.
Back to Top